07 Mar
07Mar

May lungkot sa aking mga mata 

Ngunit walang nakakakita

May sakit na nararamdaman 

Ngunit walang nakakaalam

May mga problemang hinaharap magisa 

 Ngunit pinipilit na maging masaya

Pinipilit na ipakitang maayos lang

Kahit kabaliktaran ng nararamdaman

Sa aking pagiisa hindi ko mapigilan 

Ang pagtulo ng aking mga luha

Na pilit kong pinupunasan

Pilit na nilalaparan ang aking mga labi

Para lumabas ang malaking ngiti

Ang aking sarili ay pilit na pinapaniwala

Na ako'y ayos lang talaga

Walang nakakaalam ng aking paghikbi

Na madalas ay ginagawa sa gabi

Upang walang makakita

Na ako'y hinanag hina na 

Sa aking bawat paghikbi

Pilit na nilalabas ang hapdi at pighati

Sa lungkot ay pilit na kumakalas



Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING