07 Mar
07Mar

Tatlong salita,sampung letra

Na sumasagabal para patuloy na mahalin ka

Hindi ko ito ginustong maramdaman bigla

Pero ako'y sadyang napagod na

Pagod na ako

Pero maniwala ka ikaw lang ang mahal ko

Ikaw parin ang laman ng aking puso

Ikaw at ikaw parin ang iniisip ko

Hindi ko rin naman ito tanggap

Pero pagmamahalan natin ay di na sapat

At ayoko rin naman magpanggap

Na tila ayos lang ang lahat

Hindi ko ginusto na ito ang ating maging katapusan

Hindi ko ginusto na tayo'y maging ikaw at ako nalang

Pero ako'y sobra nang nasasaktan

Sobra na akong nahihirapan

Pinilit kong lumaban 

Para ipagpatuloy ang ating pagmamahalan

Pinilit kalimutan ang lahat ng sakit

At sayo ay patuloy na kumapit

Ngunit ngayo'y wala ng maisip na paraan

Kundi ay patuloy na sumuko nalang

Kahit ang puso'y may panghihinayang

Ngunit ayokong iyon nalang ang maging dahilan

Ako'y pagod na pagod na

Yung bang kahit magpahinga

Yung hirap at sakit na nadarama

Hindi ko na kayang labanan ang pagod na nadarama

Hindi ko na kayang patuloy na humakbang pa

Dahil sobrang bigat na ng aking dala dala

Naubos na ang natitirang lakas

Mga sugat sa puso ko'y nakabakas

Nawalan na ng dahilan para lumaban

At tuluyan ng tinanggap na tayo'y hanggang dito nalang






Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING