Bakit ba tayo kumakapit pa,
Kahit ang sakit sakit na?
Bakit umaasang magiging maayos pa,
Kahit hindi na talaga?
Bakit pinaniniwala ang sarili sa mga ito
Kahit hindi naman talaga sigurado
May pagasa pa nga ba?
Oh wala na talaga?
Mahirap, pero kakayanin
Nasasaktan, pero patuloy na mamahalin
paulit ulit nalang yang sinasabi mo
Patuloy na umaasa na may magbabago
Bakit puro puso nalang?
Kung pwede utak naman?
Utak naman ang sundin mo
Nang hindi kana masaktan ng todo
"MASAKIT, PERO MAHAL KO"
Yan sinasabi ng iyong puso
"Tama pa nga ba ito?"
Ang sinasabi ng utak mo
Ano ang mas matimbang oara sayo?
Ano nga ba ang susundin mo??
Ang puso na nakakaramdam
O ang utak na nakakaalam
kung paulit ulit nalang
Away, bati ,away nanaman
Kung lagi nalang nagkakasakitan
Bitaw na, at wag ng magalinlangan
Kung problema'y di matapos tapos
Mga luha sa mata mo'y patuloy na umaagos
Sakit sa puso mo'y tumatagos
Bitaw na, dahil hindi nayan maayos
Kung puro nalang pagdududa
Puro nalang tamang hinala
Tiwala sa isa't isa ay nawala
Bitaw na, dahil wala na yang patutunguhan pa
Kung sa pagkakamali'y lagi nalang nagsisisihan
Kung puro nalang malabong usapan
At hindi na nagkakaintindihan at nagkakaunawaan
Bitaw na, dahil wala ng katapusan yan
Kung una palang palagi ng ganyan
Puro away at problema nalang
Tigilan na at tapusin na
Bitaw na, at wag ng patagalin pa
Sugat na sa puso mo'y maiiwanan
Sakit na iyong nararamdaman
Sa simula lang ganyan
Mawawala at maghihilom din yan
Mahalin ang iyong sarili
Mga problema ay isantabi
Ikaw ay sadyang mahalaga
At nararapat lang maging masaya
Maging masaya na walang lungkot na nadarama
Maging masaya kung anong meron ka
Maging masaya kung ano ka
At maging masaya kahit na nagiisa
Dahil ang tunay na kaligayahan
ay hindi lang sakanya matatagpuan
Kung pipiliin mong maging masaya
Sasaya at sasaya ka kahit wala siya